Nakakairita kaya ang ganu'n! Singer-actress, nagklik lang ang love team nila ng young actor, fee
- Erlinda Rapadas T.
- Dec 24, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Usap-usapan ng mga tao sa TV production ng isang network ang sumisikat na singer/actress. Actually, hindi naman siya baguhan kung tutuusin at bumilang na rin nang taon sa showbiz. Pero, nakilala lang dahil nagklik ang tambalan nila ng isang young actor sa isang show kaya nadala siya sa suwerte ng kanilang love team.
Marami na ang nakakakilala sa kanya ngayon. Kaya lang, kulang na kulang siya sa PR sa mga staff ng kanilang show. Hindi siya nag-e-effort na bumati man lang kapag dumarating sa set. Laging ang drama niya ‘pag tahimik lang siya at may sumpong ay pagod daw siya at masama ang pakiramdam.
May superstar attitude na agad-agad ang singer-actress kaya sey ng mga tao sa kanyang paligid, huwag siyang pakasisiguro dahil hindi siya nakakatiyak na masusundan ang kanilang show ng ka-love team at kung magkiklik pa siya sa mga viewers.
Dapat na siyang magbago ng ugali, baka mahuli ang lahat at mawalan na ng ningning ang kanyang career. Tinalo pa niyang umasta ang mga young actresses na certified sikat, mapa-pelikula o telebisyon.





Comments