top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Labs mo, Ion, huling naka-bathrobe lang daw… Ibinulgar ni Dimples: Tent ni Vice sa shooting, yumayan

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 24, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

May rebelasyon si Dimples Romana sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kamakailan.

Kung sa Kadenang Ginto ay mala-tigre na panay ang sigaw ni Dimples bilang si Daniela Mondragon, sa bahay daw ay hindi siya masyadong nagsasalita.

Kaya, may panawagan si Vice sa mister ni Dimples na si Boyet Ahmee. Aniya, “Kaya ngayon pa lang, Boyet, nananawagan ako sa ‘yo. Ngayon, alam ko na.

Sana, maunawaan mo, naaabala kami ng asawa mo sa sobrang daldal niya.

‘Yun pala, hindi mo siya pinagsasalita sa bahay, so lahat ng gusto niyang sabihin du’n, sa amin niya sinasabi. Gusto na naming matulog ni Anne Curtis dahil pagod na pagod na kami.”

Biglang tumayo si Dimples at sinabing, “Ah, teka lang, ha? Magsabi tayo nang totoo rito, ah! Kulang ka sa tulog? Ako ang madaldal sa taping?”

Tapos ay dinugtungan ito ni Dimples ng makahulugang linyang… “Yumayanig ‘yung tent mo! Bakit?”

Sey naman ni Vice na mukhang biglang-kambiyo dahil sa takot na may sabihin pa si Dimples, “Hoy, charot lang! Kayo, nagpapaniwala kayo diyan!”

Depensa ni Dimples, “Ha? Hoy, teka, baka akalain nila, sinungaling ako!

Aminin mo, naka-bathrobe ka.”

Alibi naman ni Vice, “Kasi siyempre, palit kami nang palit ng costume. Tapos, pasok ka nang pasok, makikita mo si Mang Kepweng, maloloka ka ru’n, ano!

“Hindi naman kami pumapasok sa dressing room mo. Eh, kayo, pasok kayo nang pasok sa ‘kin. Ang dami kayang pumapasok sa ‘kin,” hirit ni Vice kaya tawang-tawa naman ang mga nakikinig sa kanila.

‘Niwey, bukas, Pasko na mapapanood ang The Mall, The Merrier.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page