Kelot, nabangga ng motorsiklo, tepok
CAMARINES SUR — Patay ang 51-anyos na lalaki nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tambo, Pamplona.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jione Avila, residente ng naturang lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Jumer Peña kaya aksidente nitong nabangga ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi si Avila sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na si Peña na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments