Jesus Christ, ginawang gay, Mama Mary, adik, ibang karakter, todo-mura… Show ng Netflix, ipinapa-sto
- Janice DS Navida
- Dec 24, 2019
- 1 min read

Maligayang Pasko, mga ka-Bulgar!!!
Bukas na ang pinakamalaking celebration para sa mga Kristiyano dahil dito ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus Christ!
Pero habang excited ang karamihan sa atin sa pagdiriwang ng Pasko, sumabay naman ang pagpapalabas ng Netflix sa controversial religious satire Brazilian movie na produced ng Porta dos Fundos, ang The First Temptation of Christ, kung saan ipinakitang gay si Jesus, nagma-marijuana si Mama Mary, habang todo-mura naman ang iba pang karakter sa pelikula.
Grabeng pambabastos at paglapastangan nga naman ito sa religious belief ng mga Kristiyano, lalo na sa kinikilala nating anak ng Diyos na si Hesukristo.
Kaya, agree kami sa panawagan ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa kanyang Facebook account na kondenahin, iboykot at ipatigil ang pagpapalabas sa Netflix ng naturang movie.
Ipinost ni Ai Ai ang picture ng naturang movie na ang caption ay: “Patawarin mo po sila LORD [clasped hands emoji].. Sign the petition to stop showing this sa NETFLIX —[frowning emoticons] Sino man ang gumawa nito, masusunog kayo sa impyerno.. #sacrilege #blasphemy.”
Isa si Ms. Ai Ai sa mga kilalang relihiyosa at Marian devotee among our local stars at nakakatuwa naman na talagang isinasabuhay niya ang kanyang pagiging Kristiyano kung saan nanguna na siya sa paghingi ng petisyon para ipatigil ang movie na lumalapastangan kay Jesus Christ. Go, Ms. Ai!!!





Comments