Vintage bomb, natagpuan sa compound
Pabs Hernandez III
Dec 23, 2019
1 min read
Isabela — Isang vintage bomb ang natagpuan ng mga residente kamakalawa sa isang compound sa Bgy. Sipay, Ilagan City kaya agad nila itong ini-report sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar.
Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng Explosive Ordnance Disposal Team ng pulisya ang naturang bomba.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung sino ang naglagay ng vintage bomb sa nasabing lugar.





Comments