Super sonic, champ sa presidential gold Cup
- Ding Taboy
- Dec 23, 2019
- 1 min read

Itinanghal na kampeon ang mananakbong Super Sonic sa katatapos na 2019 PCSO 47th Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite kahapon.
Hinablot ng Super Sonic ang premyong P3-M bilang unang prize pumangalawa ang Pangulasian Island na tumanggap ng P1-milyon habang tumanggap ng P500,000 ang Sepfourteen. Samantala tinanggap ng Princess Eowyn ang P300,000 bilang pang apat na dumating.
Sa umpisa ng karera agad na kinuha ang unahan ni Princess Eowyn habang nakasunod ang Summer Romance at Great Wall at pang apat ang Scalborough Shoal.
Pagsapit sa unang likuan nanguna pa rin ang Princess Eowyn, pangalawa na sa puwesto ang Sepfourteen habang na kasunod ang summer romance at sinusundan ng pang-apat na puwesto ng Super Sonic.
Naging pukpukan ng naging labanan ng unahan habang nauuna ang Princess Eowyn habang parating ang Super Sonic pagsapit sa huling 600 meters. Sa huling 400 meters agad kinuha ang pangunguna ni Super Sonic at dumating ang Pangalusian Island at dumating na pangatlong puwesto ang Sepfourteen at pang-apat ang Princess Eowyn.
Sa bentahan na llamado ang Super Sonic habang pangalawa ang bentahan ng Princess Eowyn. Umalis na pang-anim si Super Sonic bago kinuha ang pangunguna habang nakasunod ang Pangalusian Island. Samantala, magaang na panalo pa kay Bugle Notes ang Philracom-RBHS Classic 2 sa simula ng karera sa Race 1. Habang nagwagi ang Early Bird sa pagtikada sa Condition Race 17 sa Race 2.





Comments