Rider, todas sa pick up
Iloilo — Patay ang 32-anyos na rider nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Bgy. Dawis Sur, Zarraga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ricardo Pastolero, Jr., residente ng Bgy. Luag, Duenas sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga saksi, mabilis umano ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Patrick Lazaro kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival. Samantala, nakapiit na si Lazaro na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.





Comments