top of page

Para sure na hindi ka nila makakalimutan besh... Kakaiba at nakakatawang panregalo sa Kris Kringle

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 23, 2019
  • 2 min read

Habang palapit nang palapit ang Pasko, marami nang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan, kamag-anak at katrabaho. At alam n'yo bang marami ring nakatutuwang paraan para magbigayan ng regalo?

Noon pa man, kinatutuwaan na ng karamihan ang Kris Kringle o Monito at Monita kung saan bawat araw ay may tema ang regalo na ibibigay ng mga kasali rito. Kaya naman, kailangang maging creative ka sa pag-iisip ng regalo na swak sa tema tulad ng something soft, embarrassing to carry in public at kung anu-ano pa.

At kahit may ilang regalo na nakakatawa, nakakatulong naman ito sa araw-araw nating pangangailangan. Anu-ano ang mga ito?

1. Boobs stress ball relief. Kung iisipin, nakakatawa ang magiging reaksiyon ng makatatanggap nito dahil para sa iba, awkward itong gamitin. Baka sa halip na matanggal ang stress nila gamit ang stress ball na ito, lalo silang ma-stress. Ha-ha-ha!

Mga besh, walang pikunan ‘pag nakatanggap ka nito dahil katuwaan lang naman, gayundin, makatutulong ito para mabawasan o matanggal ang stress at siguradong maaaliw pa ang taong pinagbigyan ninyo.

2. Toilet Mug. Isa sa mga paboritong iregalo ay ang mug, ngunit, ito ay may kaunting twist o katuwaan na siguradong hindi tatanggihan ng inyong pagbibigyan at puwede ninyong iregalo ‘pag something useful ang tema at bagay sa mga katrabaho ninyo na mahilig magkape o magtsaa.

Dahil useful ang mug at toilet, bakit hindi natin pagsamahin, ‘di ba? Unique na, nakakatuwa pa.

3. Poop emoji plush pillow. Swak na swak ito ‘pag sinabing something fluffy at smelly ang tema. Tama ba? Isa sa mga unique na puwede n’yong ipanregalo dahil kahit saan ay puwedeng gamitin ang unan — sa kuwarto, sala, sasakyan at opisina.

Puwede rin itong dalhin kung bibiyahe o magta-travel kayo. Gayundin, hindi masasayang kung magreregalo ka nito dahil siguradong magagamit nila ito at maa-appreciate.

4. Undergarments. Para naman sa temang something personal, puwedeng-puwede kayong magbigay nito. Awkward man sa umpisa, oks lang ‘yun dahil siguradong magagamit nila ito.

Gayundin, tiyakin lamang na sakto sa size ng pagbibigyan ninyo para sure na maisuot ito at hindi nila ipamigay sa iba dahil sayang naman, ‘di ba?

Ayan mga ka-BULGAR, alam na ninyo kung paano mapasasaya ang mga taong malalapit sa inyo mula sa mga regalong puwede n’yong ibigay na tiyak na mapakikinabangan nila hindi lang sa bahay kundi pati na rin sa kani-kanilang trabaho o opisina.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page