top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lola, tepok sa motorsiklo

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 23, 2019
  • 1 min read

Masbate — Dedbol ang 74-anyos na lola nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Gaid, Dimasalang. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nerluilla Lignes, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Rolando Arroyo kaya aksi­dente nitong nabangga ang biktimang tumatawid sa kal­sada. Sa lakas ng pagkakabangga ay nabagok sa sementadong kalsada ang ulo ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Samantala, kusa namang sumuko sa pulisya si Arroyo na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page