Horoscope | Disyembre 23, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 23, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2019 (Lunes): Malalaking suwerte ang mapasasaiyo kung uunahin mo ang sarili mong kapakanan kaysa sa mga nasa paligid mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibay ng paninindigan ang magbibigay sa iyo ng malalaking suwerte kaya kung ano ang napili mo, huwag mo nang palitan pa. Ang pag-aalinlangan ay hindi makabubuti kahit kailan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-23-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag maayos ang relasyon mo, ang magagadang kapalaran ay magdaratingan sa buhay mo. Ang anumang sigalot at suliranin sa pag-ibig ay dapat na iyong maituwid. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mong mabuti ang mga susunod mong hakbang. Ang pagmamadali ay magdadala sa iyo ng maraming problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-19-24-29-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Patuloy kang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa. Dahil sa pagiging mapagmahal mo sa mga tao, ikaw ay pinagpapala. Langit mismo ang magkakaloob sa iyo ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-23-25-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka sa mas malalaki. Ang mga maliliit ay huwag mong pangarapin, ang mga ito ay para sa kapwa mo, pero malalaki ang nakalaan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-27-30-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magbabago ng kursunada, simpleng alagaan mo ang iyong paboritong tayaan. Hindi nakapagtataka kung ang pananalo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-20-21-24-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Para sa iyo ang magaganda at ang mga hindi maganda at katamtaman lang ang ganda ay para sa iba. Kaya huwag kang sumunod sa payo na huwag piliin ang maganda sa iyong paningin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-20-25-30-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang magpapakita sa iyo ng simpatiya, siya ang magiging bahagi ng iyong buhay sa mahabang panahon. Ikaw ay pinalalayo at dapat umiwas ka sa nagpapasakit ng ulo mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-21-22-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng inspirasyong hindi sa tao kundi sa mga napagtagumpayan mong mga hamon ng iyong kapalaran. Makatitiyak na ang pananalo ay muli at muling mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-18-25-26-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo sa mga araw na ito dahil ang malalaking suwerte na napunta sa iyo ay iyo pala at magpapatuloy pa ang pagdating ng mga suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-31-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat kapag dumapo sa iyo ang mga suwerte sa mga sandali na akala mo ay hindi ka buwenas. Noon pa man, ganito na ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-29-30-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magmumula sa kaaway mo ang mga suwerte, pero huwag kang makipag-away dahil hindi ito tama. Magmumula sa mga naiinggit sa iyo ang suwerte mo, pero huwag kang maiinggit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-25-27-34-37.




Comments