Garcia, atat nang makaharap si Pacman

Hindi nawawala sa radar ni dating two-division champion Danny Garcia si 8-division world titlist at kasalukuyang World Boxing Association (WBA) champion Manny “Pacman” Pacquiao kahit pa man hindi pa nagsisimula ang nakatakdang laban nito.
Sasabak si Garcia para sa World Boxing Council (WBC) eliminator laban kay Ukrainian boxer Ivan Redkach sa Barclays Center sa New York City sa Estados Unidos sa Enero 25, 2020, ngunit patuloy pa ring nagpapagaling si WBC champ Errol Spence Jr. dahil sa natamo nitong car-crashed injury sa Dallas matapos ang unification bout nito kay Shawn Porter noong September 28.
Sakaling magwagi ito kay Redkach at hindi matupad ang laban nito kay Spence Jr., pupuntiryahin nitong makatapat ang pambansang kamao, na wala pa ring inaanunsiyong makakalaban sa 2020 scheduled fight nito. “If the top welterweights want to fight me, I’ll be ready whenever. Redkach makes a lot of sense because he’s a southpaw and that would have me ready for Errol Spence Jr. or Manny Pacquiao,” pahayag ni Garcia worldboxingnews.com.
Natataon ang pakikipagharap nito kay Redkach dahil southpaw ito tulad ng fighting Senator, na kung matatandaan ay inihayag ni MP promotions president at international matchmaker Sean Gibbons na isa si Danny at Mikey Garcia sa mga inaasam na makalaban ni Pacquiao sa 2020 return fight nito.
Gayunman, dahil na rin sa naglabasang ulat ng magbabalik sa boxing ring si undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather Jr., lumabas din ang mga ispekulasyon at bali-balita, gayundin, ang nadidikit na usapang May-Pac 2 rematch sa Las Vegas o Saudi Arabia, ay nag-iba ang ihip ng hangin sa naunang balak na laban para kay Pacquiao.
Kahit pa man wala pang pinal na anunsiyo sa makakalaban nitong sunod matapos kay Redkach, hindi pinapawalang –bahala ni Garcia susunod na makakalaban, bagkus ay pinaghahandaan niya itong mabuti hindi minamaliit.
“I’m definitely not overlooking him. I’m training hard for this fight. For me, this is a big fight. If I overlook him, it could ruin everything. I want to show everyone I’m still one of the best pound for pound fighters in the world,” wika ng Philadelphia native. “I always feel like I’m the best. They need me, I don’t need them. I’m one of the best fighters in the world and I’m going to be here for a while.”





Comments