Palaging nananaginip ng pupu, liligaya kung mga weird ang gagawin
- Socrates Magnus
- Dec 22, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Ronna ng Ronna_Amcse@face-book.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin na palagi akong nananaginip ng dumi at minsan ay ako ‘yung dumudumi?
Naghihintay, Ronna
Sa iyo, Ronna, Kung ang dumi na tinutukoy mo ay dumi ng tao, simple lang ang kahulugan ng panaginip mo at ito ay nagsasabing sa pagdumi, ang tama ay nakadarama ng kakaiba at masarap na pakiramdam. Kaya ang panaginip mo ay nagbabalita ng nakatutuwa, pero ang katotohanan sa buhay ng bawat tao na ang kaligayahan ay minsang natatagpuan sa hindi regular na mga gawain.
Ang regular na gawain ay magsikap ka at may nilaga ka, sumunod ka sa mga kautusan, at panuntunan na umiiral ang isabuhay mo sa moralidad. Kaya ang hindi regular na gawain ay ang mga kabaligtaran ng mga ito.
Kakaibang paraan, pero sure na sure ang ligaya ay higit pa sa ligayang nakukuha sa pagsunod sa mga pangkaraniwang paraan ng buhay. Ang panaginip mo ay nagsasabing, ikaw ay liligaya ngayon mula sa mga hindi regular na ginagawa ng mga tao.
Balikan mong muli ang mga nabanggit na regular na mga gawin sa itaas at ikaw mismo ang magsasabing ngayon ay hindi ka nakasusunod sa mga ito, pero ikaw mismo ang magsasabi na ang kaligayahan mo sa buong buhay ay natikman mo na sa buong buhay mo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments