top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Binati sa first anniv, "Babs" ang tawagan… Arjo, ibinulgar na 1 yr. nang GF si Maine

  • Vinia Vivar
  • Dec 22, 2019
  • 1 min read

Photo: @arjoatayde

Very open na nga sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang relasyon.

Kung dati ay hindi pa maamin-amin ng dalawa ang kanilang estado at medyo patago pa ang mga pagkikita, ngayon ay all-out na talaga sila maging sa social media.

Kahapon ay nakumpirma ng lahat na one year na pala ang relasyon nila dahil na rin sa anniversary greetings ni Arjo kay Maine na ipinost sa kanyang Instagram account. Ini-reveal na rin ng aktor na “babs” ang tawagan nila ni Maine.

Nag-post si Arjo ng silhouette photo nila ni Maine na magka-holding hands sa tabi ng dagat at sa caption ay isang maikli pero sweet message para sa girlfriend ang inilagay ng aktor.

“Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you,” caption ni Arjo.

Needless to say, napakaraming kinilig sa post na ito ni Arjo base na rin sa mga komento sa comments section. Happy sila para sa lovebirds at may nag-comment nga na fan daw siya ng AlDub (love team nina Maine at Alden Richards) pero happy siya sa magkasintahan.

Looks like nalampasan na nga nina Arjo and Maine ang galit ng AlDub fans at dumarami na ang pumapabor sa kanilang relasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page