top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BFF na si Alden, Best Man… Rodjun at Dianne, ikinasal na!

Nitz Miralles
Dec 22, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @kristoffermartin

Napanood namin sa IG Story ni Kristoffer Martin ang wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina kung saan kasama sila ni Alden Richards sa entourage.

Si Kristoffer, groomsman. Hindi lang kami sure kung groomsman din si Alden dahil parang nabanggit dati ni Rodjun na Best Man ang aktor.

Anyway, ‘kaloka sina Alden at Rodjun sa kanilang comments habang hinihintay ng huli sa may altar ng Manila Cathedral si Dianne. Para raw iiyak si Rodjun at halatang ninenerbiyos.

Nakaka-touch din ang eksena ng uncle ni Rodjun, brother ng pumanaw niyang ina, na katabi ng aktor sa altar.

After the wedding, nagbiruan sina Rodjun, Kristoffer at Alden kung sino ang sunod na ikakasal.

Nagturuan sina Alden at Kristoffer hanggang nag-dialogue ang huli ng… “Ako na lang. Charot!” na hindi malayong mangyari dahil may GF siya, samantalang ang Pambansang Bae, naghahanap pa lang ng mamahalin.

By this time, nakalipad na siguro si Alden at ang kanyang pamilya sa South Korea kung saan sila magpa-Pasko. Pero, parang four days lang ang bakasyon ni Alden dahil sa December 27, balik na siya ng bansa para sa New Year Countdown ng GMA Network.

Kahit paano, makakapagpahinga at makaka-bonding ni Alden ang pamilya niya sa Korea. Wala siyang iisiping work nang ilang araw dahil nakapag-advance taping na sila ng The Gift.

Kaya rin siguro babalik nang maaga si Alden dahil gusto niyang makapag-relax muna bago ang New Year Countdown ng GMA-7 sa December 31 hanggang kinabukasan na ng January 1.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page