top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Valentine concert, pinaiingay… Away ng kampo nina Regine at Sarah, promo lang

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 21, 2019
  • 1 min read

Sa Feb. 13 at 14 pa gaganapin ang Valentine concert na pagsasamahan nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo titled Unified na produced ng Viva Entertainment pero ngayon pa lang, may isyu at nag-iingay na ang kampo ng Songbird at Popstar Royalty.

Umaapela at nagrereklamo ang mga fans at supporters ng Popstar Royalty dahil wala nang mabibiling reserved seats sa VIP section ng venue since pinakyaw at sinolo na ng mga fans ng Asia’s Songbird. Eh, can afford naman daw bumili ng VIP tickets ang mga fans ni Sarah. Bakit hindi man lang ginawang parehas ang hatian sa mga tickets for VIP reserved seats?

Depensa ng kampo ni Regine at ng manager niyang si Cacai Mitra, wala silang kinalaman sa ticket selling and reservations dahil ang Viva ang namamahala nito. May pahayag pa ang ilang maka-Regine na hindi na dapat nagrereklamo at nagre-react ang mga supporters ni Sarah kung nai-post na ni Cacai na sold out na ang Unified concert tickets. Hindi naman nila sinolo ang kredito. Pero bina-bash pa rin ang Asia’s Songbird ng mga fans ni Sarah.

Kaya tuloy pati si Megastar Sharon Cuneta ay nag­pahayag ng kanyang pagtatanggol kay Regine. Hindi raw dapat bina-bash ang Asia’s Songbird dahil icon na itong maituturing sa music industry!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page