No. 1 daw dapat ang movie para may bonus… Ai Ai, gustong matalo ni Coco si Vice sa MMFF
- Julie Bonifacio
- Dec 21, 2019
- 2 min read

Tama ang sinabi ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa presscon ng 3Pol Trobol na ‘di niya kailangang ma-pressure sa kahihinatnan ng unang pagsasama nila sa pelikula ni Coco.
“I don’t feel any pressure right now. Hehe. Hindi, uh, ako… lahat kami gusto naming magpasaya sa Pasko. Showbiz answer. Hahaha! Hindi, joke lang. Joke lang,” biro ni Ai Ai.
Seryoso namang sabi ng Comedy Queen, “Ang totoo talaga, gusto kong mag-number one kami para ‘yung boss natin, mabigyan kami ng bonus. ‘Yun ang tunay na sagot. Hahaha! Masaya lang. ‘Magkano naman kami d’yan?’ ganu’n.”
Bukod sa first ni Ai Ai na makatrabaho si Coco, first time rin siyang iha-handle ng magaling na aktor bilang direktor.
Very thankful din si Ai Ai kay Direk Rodel Nacianceno (Coco’s real name) dahil binigyan siya ng pagkakataong mag-shine sa 3Pol Trobol bilang nanay.
“Kasi sinimulan namin ‘yung movie nu’ng maliit pa siya. Hanggang sa naging matanda na siya, Coco Martin na siya. So doon, ipinakita talaga ‘yung pagiging tanging ina ko. So, nakakatuwa kasi, siyempre, iba naman doon (3Pol Trobol) dahil mag-isa lang siya na anak ko, kung papaano ko siya itinaguyod and kung papaano ko siya inalagaan. Gusto niya ‘yung makita sa movie.
“Sa totoong buhay kasi, ‘yan ang gusto kong maging, eh. Gusto kong maging mabuting ina. Gusto kong mag-alaga. Gusto kong maging mabuting asawa. ‘Yun ang dream ko. Kasi hindi ‘yun ang nangyari. Kasi parang ako ‘yung naging ano ng pamilya namin, breadwinner.
“Pero actually, ‘yun ang dream ko. Gusto ko, nanay lang ako. Tapos may asawang mayaman na hindi ako binubugbog. Tapos, ‘yung ganu’n, ‘yung magtatrabaho lang. Tapos ako, mag-aalaga ako ng baby. ‘Yun ang pangarap ko. Hindi ko naging pangarap na maging Comedy Queen, hindi talaga. Diyos ko, meron bang magseseryoso? Hindi ko akalain na magiging artista ako,” pahayag pa ni Ai Ai.
Mismo.





Comments