K-Pop Star, type na type… Alden, sa Korea magpa-Pasko dahil kay Lisa ng Blackpink
- Vinia Vivar
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Sa South Korea naman ang destinasyon ni Alden Richards ngayong Kapaskuhan kasama ang kanyang family. Ilang taon na ring tradisyon ng Asia’s Multimedia Star na kapag sumasapit ang Holiday Season, ipinapasyal niya at isinasama sa bakasyon ang kanyang pamilya.
Matatandaang last year ay sa Japan sila pumunta kaya this year ay Korea-bound naman sila. Tinotoo ng aktor ang kanyang sinabi na babalik siya sa nasabing bansa kasama ang pamilya.
Last August kasi ay nagpunta ng Korea si Alden nang tumanggap siya ng Asian Star Prize award sa Seoul International Drama Awards. Nabanggit nga noon ng Pambansang Bae na nagustuhan niya ang nasabing bansa at sobrang nag-enjoy siya rito. Plus sa Korea rin based si Lisa Manoban na miyembro ng South Korean girl group na Blackpink.
Hindi lang namin alam kung mag-e-effort ba si Alden na mahanap si Lisa habang naroroon sa South Korea. Pero ang tiyak, isa na naman itong memorable holiday for him kasama ang kanyang pamilya.
Bago mag-New Year ay balik-‘Pinas na si Alden dahil taun-taon ay kasama siya sa New Year Countdown celebration ng GMA-7 na talaga namang kahanga-hanga dahil ang ibang artista ay tumatanggi sa nasabing event since busy sila at siyempre, kasama rin nila ang kanilang pamilya sa Media Noche.
Pagdating ni Alden ay balik-taping na rin siya ng serye niyang The Gift, at sa year 2020, opening salvo naman ng bagong Sunday noontime show kung saan kasama rin siya.





Comments