Hindi kagandahan pero biglang makapag-aasawa kahit masyonda na
- Maestro Honorio Ong
- Dec 21, 2019
- 1 min read
Dear Maestro, Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil kinakabahan ako. Sa aking edad na 40, gusto kong malaman kung may pag-asa pa akong makapag-asawa? Hindi naman ako kagandahan, pero may stable work ako bilang public school teacher. July 17, 1979 ang birthday ko.
Umaasa, Cheng ng P. Burgos, Siniloan, Laguna
Dear Cheng, Ayon sa birth date mong 17 o 8 (dahil ang 17 ay kinokompyut ng ganito, 1+7=8), sa destiny number na 5 (7+17+1979 2003/ 20+03=23/ 2+3=5) at zodiac sign na Cancer, makapag-aasawa ka pa rin kahit hindi ka kagandahan dahil sa totoo lang, walang kaugnayan ang hitsura sa pagdating ng true love sa buhay ng isang tao.
Kaya kahit 40 ka na, hindi ka dapat kabahan dahil kung ‘yung mga bakla at tomboy ay nakapag-asawa at ‘yung iba ay naikakasal pa sa kapwa bakla o tomboy, ikaw pa kayang medyo nagkaedad lang at medyo nahuli nang bahagya sa huling biyahe ang hindi makapag-aasawa?
Ayon sa iyong Love Calendar, ang pag-aasawang nabanggit ay tinatayang maganap sa 2020 sa edad mong 41pataas, hatid ng lalaking may kayumangging kulay ng balat, may katamtamang laki ng pangangatawan at isinilang sa zodiac sign na Scorpio kung saan sa sitwasyong hindi mo inaasahan, ang nasabing pag-aasawa ay biglaan, ngunit kahit biglaan at mabitin, ang pag-aasawang ito ay magbubunga ng simple, ngunit masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.




Comments