top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

SSS contribution, puwede nang bayaran sa isang click lang sa paymaya

  • Thea Janica Teh
  • Dec 20, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) dahil mas pinadali na ang pagbabayad ng kontribusyon gamit ang PayMaya sa SSS mobile app!

Hindi na kailangan pang pumunta sa pinakamalapit na branch at pumila ang mga self-employed, voluntary at Overseas Filipino Workers (OFW) para lang makapagbayad ng kanilang kontribusyon. Maaari na nilang gamitin ang kanilang PayMaya account o Visa, Mastercard o JCB credit, debit o prepaid card para mabayaran ang kontribusyon o salary loan.

Pormal nang pinirmahan kamakailan ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio at PayMaya Philippines, Inc. Chief Executive Officer Orlando B. Vea ang agreement bilang isa sa 85 accredited collecting at paying partners ng SSS. Thirty-five sa mga ito ay Real-Time Processing of Contributions (RTPC) system.

Ayon kay Ignacio, “masaya kaming ipamalita ito sa lahat ng ating mga miyembro dahil muling nadagdagan ang accredited collection partner ng ahensiya kung saan mas madali tayong makapagbabayad ng ating kontribusyon at salary loan.”

“Alam ng publiko na ginagawa ng SSS ang lahat para maging hassle-free ang lahat ng transaksiyon nila kaya naman minabuting makipag-partner tayo sa maaasahang digital platform tulad ng PayMaya. Sa isang tap lamang sa inyong mobile phones, mare-remit na agad ang inyong kontribusyon sa SSS,” dagdag pa nito.

Paano nga ba ito gagawin? I-download lamang ang PayMaya app at gumawa ng account. Kailangan na mayroon muna tayong SSS Mobile App para magamit ang payment option na ito. I-generate ang inyong Payment Reference Number o Statement of Account sa SSS Mobile App sa pag-click ng “Generate PRN/SOA” icon. Kapag nagawa na ang PRN, pindutin lamang ang Pay button at madi-display ang 2 option: “Pay with PayMaya Account” o “Credit/Debit Card”.

Kung ang pinili ay PayMaya, madi-display sa inyong mobile phone ang PRN, amount at convenience fee. Kinakailangan na ilagay ang inyong email address at password at magse-send ang PayMaya ng One-Time Password (OTP) para makapagbayad. Kung credit/debit card naman ang pinili, lalabas sa screen ang monthly contribution, convenience charge at total amount. Para makumpleto ang payment, kinakailangan na sagutan ang First Name, Last Name, Card Number at Expiry date ng card na gagamitin.

Malalaman na successful ang transaction payment natin kapag nakatanggap na tayo ng SMS o email notification.

Napakadali lang, ‘di ba? Para sa iba pang detalye at listahan ng partner banks, maaaring bisitahin ang SSS website.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page