Sa March, 2020 manganganak… Anne at Erwan, Baby girl ang panganay!

Photo: @annecurtissmith
Ini-reveal na ni Anne Curtis ang gender ng first baby nila ni Erwan Heussaff via her Instagram account. It’s a girl!
Sa IG ay ipinost ni Anne ang picture nila ni Erwan habang hawak ang pink-colored smoke sticks at may caption na: “Mini me.”
More than 706 thousand ang nag-like sa naturang photo na kuha sa gender reveal party na ipinag-imbita nina Anne at Erwan a day before mag-post siya sa IG. Ginanap ang party sa Swatch & Swatch sa Makati City.
Dumating sa gender reveal party nina Anne at Erwan ang ilang malalapit nilang kaibigan at kamag-anak gaya nina Nico Bolzico, Solenn Heussaff, Jasmine Curtis, Isabelle Daza, Liz Uy, Bea Alonzo, Angelica Panganiban and Matteo Guidicelli.
Present din ang daddy ni Anne na si James Smith at boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega. Nandu’n din sina Vicki Belo, Hayden Kho, Jr., and Scarlet Snow Belo at ang mag-asawang Doug Kramer and Cheska Garcia with their kids — Kendra, Scarlet and Gavin.
Ikinasal sina Anne at Erwan nu’ng November 2017. And last month lang in-announce sa publiko ng magaling na aktres ang kanyang five-month pregnancy.
Nakatakdang manganak si Anne on March, 2020.
Bago ang gender reveal picture ni Anne sa IG ay may nauna siyang post na, “Barefaced and Breaking out. Hormonal imbalance realness. But also felt like taking a selca.. ganda lighting, eh. Good afternoon everybooodeeeeh. P.S. Hindi po masakit ngipin ko.”
Mukhang nahihirapan si Anne sa kanyang pagbubuntis especially sa last stage which is normal naman. Ganito rin ang nakuha naming impormasyon from a source kaya ‘di siya nakakapag-report sa noontime show na It’s Showtime. Hirap daw si Anne magbuntis at may mga moments na nakikita raw na umiiyak mag-isa ang TV host-actress. Normal lang din kung maging emosyonal si Anne ngayon.
This must be the reason kaya wala ang aktres sa grand media launch ng movie nila ni Vice Ganda, ang The Mall, The Merrier na ipapalabas na sa December 25 mula sa Star Cinema.
Understandable naman if ‘di makasama si Anne sa promo ng movie nila. At malamang, after she gave birth na muling magpakita si Anne sa telebisyon.





Comments