top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nasa kuweba, sign na kailangan ng katahimikan para magtagumpay sa buhay

  • Socrates Magnus
  • Dec 20, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Sabrina ng Sabrina_Gandah@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nasa loob ako ng kuweba at marami akong nahuhukay na clear quartz na crystal at lahat ng dingding ng kuweba ay puro kumikinang na crystal. Marami akong kinuha at ibinulsa ko.

Naghihintay, Sabrina

Sa iyo Sabrina, Ang kuweba sa panaginip ay ang malalim na pagkatao ng nanaginip. Ito ay nasa pag-iisip na “pumasok ka sa iyong silid at kausapin mo si God na nasa lihim.”

Sinasabing sa kaloob-looban ng tao, naroon ang susi ng tagumpay na ibinigay sa kanya ni God.

Kaya ang isa pang utos ay ito, “do a meditation to unlock your true potentials.”

Subukan mo, iha, pumasok ka sa iyong silid at mag-meditate ka, puwede ring kahit nasaan ka, as in, nasa bahay ka man o wala, hindi mo kailangang pumasok sa iyong silid, sa halip, dapat ay magkaroon ka ng ilang sandali ng pananahimik.

Kapag may katahimikan ang tao ay para na rin siyang nasa loob ng kuweba.

Muli, sa katahimikan maglilitawan ang magagandang susi ng tagumpay. Ang mga susing ito na tulad ng magaganda at kumikinang na quartz crystal na nakita mo sa iyong panaginip ay mga tsismosa at tsismoso na walang katahimikan sa kanilang buhay.

Muli, ipinapayo ng iyong panaginip na isabuhay mo ang pagkakaroon ng ilang sandali na katahimikan.

Sundin mo ito dahil ang mga panaginip ay nagtuturo sa tao ng mga sikreto kung paano siya aasenso.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page