top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bulacan, Q.C. at Nueva Ecija nakadale ng panalo sa MPBL

MC / VA
Dec 20, 2019
2 min read

Nanaig ang Bulacan Kuyas laban sa Batangas City Athletics sa bisa ng 82-81 noong Miyerkules ng gabi at pinalakas pa ang kanilang pag-asa sa playoffs sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa Olivarez College Gym sa Parañaque City.

Komportableng lamang sa 79-67 sa huling 2 minuto, 10 puntos pa ang idinagdag ng Kuyas na humadlang sa pinakawalang tig-5 puntos nina Jeff Viernes at Jason Melano.

Umiskor sina Lester Alvarez, dating Athletic, ng free throw habang si Aden Diputado ay nakagawa ng layup para pigilan ang 4 puntos nina Dan Sara at Genmar Bragais ng Batangas kung saan ito ang ikatlong diretsong panalo ng Bulacan para sa 15-8 record sa North division, kung saan ang top 8 ay aabanse sa playoffs.

Dinanas naman ng Athletics, ang inaugural Rajah Cup champions ang ikalawang diretsong pagkatalo at lagpak sa 13-9 sa South Division kung saan walong teams ang umabanse na rin. Ang Homegrown na si Dennis Santos ang nagpalakas sa Kuyas para sa ikatlong straight win sa bisa ng 15 puntos, 6 rebounds at 4 assists, kasunod nina John Ray Alabanza na may 13 puntos at Diputado na may 12.

Nasayang sa Batangas ang 23 puntos at 8 rebounds mula kay Melano, 14 points kay Vietnes, 13 kay Jayson Grimaldo at 11 kay Bragais. BInigo naman ng Quezon City Capitals ang Marikina Shoemasters, 77-76 sa overtime habang lumakas ang kontension ng Nueva Ecija Rice Vanguards kontra Parañaque Patriots, 85-81.

Sa unang kalamangan ng Shoemasters, 76-71, nagpakawala ang Capitals ng 6 points para iposte ang ika-10 nilang panalo kontra 15 talo. Nakapuwersa ng overtime game si Renato Ular ng Marikina, 65-65, kasunod ng 2 puntos na jumper sa natitirang 44 segundo at itarak ang 4-18 sa kabila ng 23 puntos, 11 rebounds na nagawa ni Ular at 24 points ni Yves Sazon.

Umalagwa si Dahrrel Caranguian para sa Capitals sa bisa ng 18 puntos, 9 rebounds at 5 assists kasunod ng 15 puntos ni Clark Derige at 12 rebounds, si Ryan Paule Costelo ay may 14 puntos at Mark Olayon ay may 10 puntos.

Hinahayaan muna ng Nueva Ecija na makadikit ang Parañaque sa 77-79 bago nakasalpak si Tonino Gonzaga ng tres at isang floater kay James upang iangat ang Rice Vanguards sa 6-16 sa likod ng 8-16 ng Patriots sa North.

Dumako kagabi ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa Bataan People’s Center sa Balanga kung saan kasagupa ng Rizal ang Mindoro ng 4:15 p.m., ang Caloocan laban sa Biñan City ng 6:45 p.m., at Bataan kontra Basilan ng 8:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page