Sekyu, tepok sa hit-and-run
- Pabs Hernandez III
- Dec 19, 2019
- 1 min read
ILOILO CITY — Patay ang 39-anyos na security guard nang ma-hit-and-run ng SUV kamakalawa sa Sen. Benigno Aquino, Jr. Avenue, Mandurriao District. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jemar Celebrado, residente ng Bgy. San Isidro, La Paz, Iloilo.
Batay sa imbestigasyon, sakay ng kanyang bisikleta si Celebrado nang mabangga ito ng SUV na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.
Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon si Celebrado at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada na agad nitong ikinamatay.
Samantala, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng SUV na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, damage to property at obstruction of justice.





Comments