May mai-vlog lang… Mansiyon nina Pacquiao, idinispley ng anak sa SocMed
- Julie Bonifacio
- Dec 19, 2019
- 2 min read

Photo: Mary Pacquiao
Pinasok na rin ng bunsong anak ni Senador Manny Pacquiao na si Princess ang pagba-vlog.
Napanood namin ang ilan sa kanyang vlogs at ang isa ru’n ay ang house tour kung saan ipinakita niya ang bawat bahagi ng mamahalin nilang tahanan.
Inisa-isa ni Princess ang kuwarto ng kanyang mga kapatid na sina Jimuel at Michael pati na ang room nila ng ate niya na si Queenie.
Magkakaiba ang hilig ng mga anak nina Sen. Manny at Jinkee. Mahilig sa music, arts at basketball si Michael. May na-compose na nga raw itong mahigit 30 songs. Pero music lang at wala pang lyrics.
Si Jimuel naman, seryoso sa kanyang studies pero gusto niyang maging boxer. Nu’ng una, it’s a big NO-NO para kina Jinkee at Sen. Pacquiao, pero ngayon, sumusuporta na rin sila sa anak.
Naku, sayang naman ang kaguwapuhan ni Jimuel kung gagawin lang punching bag ng kalaban niya, ‘no!
‘Yun na!
****
Sinipot ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kasal ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita sa Pelican Hill, California last December 15.
Isa si Mayor Sara sa mga ninang sa wedding at talagang lumipad din siya papunta sa USA. Malapit na kaibigan kasi si Mayor Sara ng parents ni Jolo na sina Bacoor City Mayor Lani Mercado at Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr..
Kabilang din sa mga principal sponsors sa Jolo-Angelica nuptial si Sen. Manny Pacquiao. Kaya lang, hindi nakarating si Sen. Manny sa wedding.
Kasabay kasi halos ng kasal ang birthday celebration ni Sen. Manny na ginanap sa isang five-star hotel sa Makati City.
We just don’t know kung aware si Jolo sa bali-balitang sina Mayor Sara at Sen. Manny ang mahigpit na maglalaban for presidential race sa 2022 national election.
Wala na raw gustong lumaban pa kina Mayor Sara at Sen. Manny na parehong malakas sa posisyon. Ang tanong na nga lang ng iba ay kung sino ang ie-endorse ni Pres. Rodrigo Duterte.
Nagsalita na raw kasi ang pangulo na ayaw niyang tumakbong presidente si Mayor Sara, habang si Sen. Manny ay kilala namang malapit kay P-Digong.
Ayon naman sa ilang showbiz observant, meron silang kilala na puwedeng talunin sina Sara at Manny, at ‘yan ay walang iba kundi ang Star for All Seasons at Lipa City congresswoman na si Vilma Santos.
The thing is, parang ayaw at wala naman sa plano ni Congw. Vilma ang tumakbo bilang presidente ng ‘Pinas.
Pero teka, may tsika na ‘di type ni Ate Vi ang pagiging presidente, at baka ‘di na rin kayanin ng kanyang katawan. Nagiging masasakitin na raw si Congw. Vi especially with her age now.
Kapag ‘di umubra si Congw. Vilma for presidency sa 2022 elections, may isa pang high-profile politician ang naisip nila na puwedeng “kumarera” ulit para maging next president ng Pilipinas. ‘Yun ay walang iba kundi si Manila Mayor Isko Moreno.
Ewan lang kung iboboto si Mayor Isko bilang pangulo ng aking mahal na editor. (Ahahaha! Naman! — JDN)





Comments