Kelot tinodas ng riding-in-tandem
NEGROS OCCIDENTAL — Isang lalaki ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Matab-ang, Talisay City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Melvin Borja, nakatira sa Talisay Towne Heights Subdivision sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakasakay sa tricycle si Borja nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang umalis ang mga suspek ay saka dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek





Comments