top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Amit, pasok sa last 16 ng World 9-Ball China

Eddie M. Paez, Jr.
Dec 19, 2019
1 min read

Nanatiling nagbabaga ang tako ni Rubilen “Bingkay” Amit nang umatake ito papasok sa listahan ng huling 16 na lady cue artists na may tsansa pa para sa korona ng prestihiyosong 2019 World 9-Ball Women’s Championship sa Hainan, China.

Ginamit ni Amit ang momentum ng umuusok na kampanya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games upang talunin si Fam Lantong ng China sa iskor na 9-4 at ipagpatuloy ang paglalakbay tungo sa tronong ni minsan ay hndi pa siya nakasampa.

Matatandaang nasikwat ng two-time World 10-Ball titlist na Cebuana ang 9-Ball singles at doubles gold sa SEA Games bukod pa sa 10-Ball singles silver. Si Chezka Centeno ang kanyang nakaagapay sa doubles event.

Nauna rito, dinaig ni Amit, pangatlo sa World Pool Billiards Association (WPA) rankings, si Swedish pride Monika Margeta (7-1) at Indonesian gem Ewa Bak (7-1) sa mga panghimagas na laban para makaabante na siya sa knockout round ng paligsahang umakit ng mga pinakamalulupit na cue artists na kababaihan mula sa buong mundo.

Ang mga kababayan ni Amit na sina Chezka Centeno, Iris Rañola at Flordeliza Andal ay naobliga nang mag-empake. Sina Rañola at Andal ay hindi nakalampas sa preliminaries samantalang si Centeno ay hindi nagtagal sa knockout bracket dahil sa pagluhod nito kay Wang Wan Lin ng Taiwan, 5-9.

Samantala, nakuntento sa pakikipagsosyo si dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan sa panglimang puwesto matapos itong mabigong makapasok sa semifinals ng World 9-Ball Men’s Championships sa Doha, Qatar.

Si Pagulayan, tubong Isabela at kailan lang ay naluklok sa Billiards Congress of America (BCA) Hall of Fame, ang best-placed Pinoy sa torneo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page