top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga mag-aaral sa Kyusi ang nakaimbento... ‘Pupu’ ng aso, puwede nang pamalit sa hallow blocks

  • Jersey Sanchez
  • Dec 18, 2019
  • 2 min read

Asar na asar ka bang laging naglilinis ng mabahong ‘pupu’ ng iyong aso? Pwes, kapag nalaman mo ang good news na ito, hindi ka na mandidiri o maiinis.

Maaari na kasing mapakinabangan ang ‘pupu’ o dumi ng mga aso natin!

Yes, mga besh, alam n’yo bang ang pupu ng mga alaga nating aso ay maaari nang maging bio bricks? At hindi lang ‘yan, mas matibay pa ito sa karaniwang hallow blocks na ginagamit sa pagpapatayo ng bahay. Wow!

Isang grupo ng high school students sa Quezon City ang nakahanap ng paraan upang mapakinabangan ang mga ito matapos maisipan na gawin itong bricks. Ang mga Grade 8 students ay mula sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School sa Payatas, Quezon City.

Upang magawa ang bio bricks, nangolekta ng dumi ng mga aso sa kalye ang mga mag-aaral, ibinilad sa araw upang matuyo at hinaluan ng semento at inilagay sa hulmahan.

Anila, ang bawat brick ay naglalaman ng 10 grams ng dumi ng aso at 10 grams ng semento at bagama’t, may amoy, nawawala rin ito pagkalipas ng panahon.

Gayunman, ayon sa kanilang adviser na si Mark Acebuche, malaking tulong ito upang malinis ang mga kalye na kadalasang dinudumihan ng mga aso.

Umaasa raw siya na makakukuha ng suporta ang mga mag-aaral upang mapahusay ang produksiyon ng bio bricks sa tulong ng lokal na pamahalaan o korporasyon. Maganda umanong gamitin ang bio bricks sa mga bangketa at bakuran.

Samantala, ayon sa isang estudyante, nagulat din sila nang malaman na mas matibay ang bio bricks kesa sa hallow blocks nang isailalim sa compression test.

Alam na, mga besh! Kung dati ay todo-tapon at linis tayo ng mga pupu ng ating fur babies, ngayon ay baka kolektahin pa natin. Ha-ha-ha!

Wala na talagang imposible ngayon dahil ang mga pupu na pinandidirihan natin noon ay magiging kapaki-pakinabang na ngayon. Ayos ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page