Madalas na panaginip ng malakas na lindol at malalim na baha
- Socrates Magnus
- Dec 18, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lou ng Lou _Paguagan@facebook. com
Dear Professor, Sana ay matulungan n'yo ako na mabigyan ng kahulugan ang panaginip ko. Palagi akong nananaginip ng tubig na baha at tubig na malalim. Gayundin, nanaginip ako ng malakas na lindol, pero palagi kaming nakakaligtas. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Lou
Sa iyo Lou, Sa panahon ngayon na kung tawagin ng marami ay “earthquake season”, napakarami nang nanaginip ng malalakas na lindol.
Ayon sa mga dalubhasa, kapag ang mga kakaibang pangyayari ay madalas na nagaganap, matatanim sa kamalayan ng bawat tao ang ganu’ng mga kaganapan.
Dahil muli, ngayon ay earthquake season kaya natanim sa national consciousness ang madalas na paglindol. At dahil nakatanim sa kamalayang Pinoy ang lindol, hindi nakapagtataka kung marami ang nananaginip ng lindol.
Ang maganda sa panaginip ay nakatanim din sa malalim mong kamalayan na kahit lumindol nang malakas, kayo ay palaging ligtas.
Sa ganitong katotohanan, ang pagbaha ay ganundin, dahil halos araw-araw ay laman ng balita ang climate change kung saan ang malalaking baha ay ibinababala, hindi rin nakapagtataka kung bakit ang mga tao ay mas madalas na nanaginip ng mga makapaminsala.
Muli, ayon sa iyong panaginip, kahit madalas bumaha, sabi ng iyong malalim na kamalayan ay palagi rin kayong ligtas. Be that as it may, keep on praying, may earthquake man o baha.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments