top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung Nasaan Ka Man ni: Victor Medina

  • What's In, Ka-Bulgar
  • Dec 18, 2019
  • 1 min read

Magbabalik ako, ‘yan ang sinabi mo,

katagang narinig ng bawat pulso ko,

tumimo sa utak, sumundot sa puso,

wikang sa akin ay pag-asang pangako.

Maghihintay ako, sagot ko ‘yan sa iyo,

basta’t may oras ka’y tawagan mo ako,

kahit sa himlay ko’t, puyat ng mata ko,

gigising ang diwa dahil sabik sa iyo.

Awit mo’y kaylamyos sa bawat kong dinig,

dahil nadarama ang tinig mo’t pintig,

ang iyong mga daing at lungkot na giit,

ang nagpapangamba, lagi sa’king isip.

Araw ang lumipas, ngunit, wala ka pa,

hinahanap ko na ang boses mo, sinta,

hindi ka sumasagot kahit nga pudpod na,

mga daliri kong ikaw ang siyang tipa.

Nagtataka ako’t, alam ko ring kahit

sa labis mong pagod, ‘di mo matitiis,

akong ragasa ng kabayo ang dibdib,

dahil kinakabahan, sa iyong pagtikis.

Inisip ko na lang, ikaw ay may sakit, o may dinaraing, sa’yong pagpipilit, tinext na lang kita’t, tanong ko nga’y bakit, ilang araw mo nang, ako’y ginigipit.

Ilan pang pagsikat sa lumbay kong puso,

buwan pa’y sumapit, ikaw ay naglaho,

dibdib ko’y nagsikip, halos din mapugto,

sa kakaisip ko sa ating pagsuyo.

Kung nasaan ka man, anumang nangyari,

sana’y malaman ko ang dahilan mo’t sanhi,

nang malaman mong ikaw pa ang tanging,

hinihintay ng puso kong sawi.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page