Iba’t ibang dahilan ng pagsakit ng ari ng lalake
- Shane M. Ludovice, M.D
- Dec 18, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane, Maaari ba ninyong talakayin kung ano ang sanhi ng pananakit ng bayag? Ilang araw nang kumikirot ang kaliwa kong bayag, pero wala naman akong luslos. — Limuel
Sagot Ang pananakit ng bayag (scrotal pain) at pananakit ng itlog (testicular pain) ay kondisyon o sintomas kung saan ang lalaki ay nakararamdam ng pananakit o pagkirot sa kanyang bayag.

Ito ay maaaring nasa isang bahagi lamang (kanan o kaliwa). Bagama’t ito ay maaaring sintomas ng malalang kondisyon na kinakailangan ng gamutan, maraming uri ng pananakit ng bayag na nawawala nang kusa.
Ano ang sanhi ng pananakit ng bayag?
Ang pananakit ng bayag (scrotal pain) at pananakit ng itlog (testicular pain) ay may iba’t ibang mga sanhi. Maaaring ito ay sintomas ng impeksiyon tulad ng UTI o STD tulad ng gonorrhea at chlamydia. Maaari rin itong sintomas ng pagkakaipit o pagkakapulupot ng ugat sa bayag (testicular torsion o varicocoele) o luslos (hernia).
Sa kabilang banda, puwede rin namang ang pagsakit ng bayag ay dahil lamang sa mga pananakit ng laman na nawawala rin nang kusa o sanhi ng pagkakaipit.
Panghuli, may tinatawag ding ‘blue balls’, kondisyon na dulot ng pagkakaudlot ng pakikipagtalik o pagsasalsal.
Kung hindi mawala ang sakit, mainam na ikonsulta agad ito sa urologist.
Doc Ano po tawag sa ganto pananakit kc po ang asawa ko ilang araw na masakit ang ulo ng ari nya kapag umiihi sobrang hapdi daw po pero wala naman po sya nararamdaman na ibang masakit sa parti nya kunti ulo lang po ng ari nya ,..salamat po sna masagot