Todo-reklamo sa anak… Madir, kumanta sa pagkukulang ni Vice
- Ronalyn Seminiano
- Dec 17, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-guest sa Magandang Buhay ang ina ni Vice Ganda na si Nanay Rosario Viceral para i-promote ang movie ng anak na ipapalabas na sa Pasko, December 25, ang The Mall, The Merrier at hindi nito napigilang lumuha dahil sa Christmas greeting ng anak niya.
Sabi ni Vice, “Hi, Nanay! Merry Christmas! Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na proud na proud ako na anak mo ‘ko at proud na proud ako na nanay kita. Gusto kong malaman mo na kahit ang dami-dami naming pagkukulang sa ‘yo, eh, hindi mababawasan ‘yung pagmamahal namin sa ‘yo. Malaking blessing sa Diyos na magkakapatid kami, ikaw ‘yung nanay namin at anak mo kami. Mahal na mahal ka namin at patawarin mo kami sa lahat ng mga pagkukulang namin.
“Hindi kami perpekto, pero mahal na mahal ka namin. Sa mga oras na nalulungkot ka, sa mga oras na nag-iinit ang ulo mo, sa mga oras na feeling mo, eh, nakakalimutan ka namin, tandaan mo lagi, may pagkukulang lang tayo, may mga kahinaan lang tayo, pero mahal na mahal natin ‘yung isa’t isa. I love you!”
Sabi ni Nanay Rosario, totoo raw na napi-feel niyang nakakalimutan siya ng mga anak niya.
Sey nito, “Kasi totoo ‘yun, kung minsan, kasi lagi akong naiiwan sa bahay. Kung minsan, nagrereklamo ‘ko sa kanya. ‘Kailan mo ‘ko bibigyan ng oras, anak?’ ganu’n. Kasi nakakalungkot, kani-kanya na sila. Kung minsan, ‘di na kami sabay-sabay kumakain kasi iba-iba ang time nila kaya nagrereklamo ‘ko sa kanya minsan.”
Ito raw ang dahilan kung bakit espesyal ang Pasko para sa kanila dahil du’n lang sila nagkakasama-sama.
Aniya, “Pagkatapos ng Pasko, nag-iibang bansa kami to continue the bonding. Kasi after the holidays, wala na naman. It’s hard for us to be together again as one family.”
Family talaga ang essence ng Pasko kaya mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay sa ganitong mga okasyon.





Comments