top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P4.1 trilyong pondo sa 2020, hindi pa lumalabas, nangangamoy-anomalya na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2019
  • 1 min read

Isang pirma na lang, lalarga na! ‘Ika nga, kaunting kembot na lang at aprub na ang panukalang P4.1 trillion National Budget para sa susunod na taon.

‘Yun nga lang, ang panawagan ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte ay suriin muna nang husto ang nasabing panukala.

Matatandaan, isang senador ang nagsabi na aabot ng hanggang P83.219 bilyon ang umano’y isiningit ng mga mambabatas sa huling minuto bago inaprubahan ng Bicameral Conference Committee ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).

May mga nagduda rin sa bicam report dahil karamihan umano ng mga proyekto tulad ng flood control ay walang detalye. Hindi rin umano nabigyan ng oras para basahin at i-review ang nasabing bicam report bago niratipikahan.

Kung ngayon pa lang ay binabalot na ng kontrobersiya ang P4.1 trilyong pondo, paano pa kaya kapag naaprubahan na?

Marahil, tama lang din na iapela sa pangulo ang napakaimportanteng usaping ito. Hindi lang basta budget ang pinag-uusapan dito kundi ang hindi mamatay-matay na korupsiyon.

Kung hindi malinaw ang pupuntahan ng pondo, ito ay isang malinaw na anomalya, tiyak na may malalagay na naman sa alanganin at ‘yan ay walang iba kundi ang taumbayan.

Kung puwede lang sana na gawing simple at lantad ang paglalaan ng budget ay mas mainam sana. ‘Yung mauunawaan ng publiko at malalaman kung bakit kulang sa ganito, bakit may problema sa ganyan, saan napunta ang pondo, sino ang nakinabang, etcetera, etcetera.

Karapatan ng taumbayan na makita kung saan napupunta ang kaban ng bayan at nang hindi naliligaw sa bulsa ng mga gahaman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page