top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nang magkita sa event ng Dos… Joshua, umaming 'di na kayang lapitan si Julia

  • Beth Gelena
  • Dec 17, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Nakunan ng maikling pahayag ang young actor na si Joshua Gar­cia hinggil sa ex niyang si Julia Bar­retto.

Ayon sa Kapamilya actor, huli niyang nakausap ang young actress nu’ng birthday niya last October at pagkatapos nu’n ay wala na silang komunikasyon sa isa’t isa.

Saad pa ni Joshua, nagkita sila nu’ng nagsu-shoot ng Kapamilya Christmas Station ID, pero hindi niya nilapitan ang dalaga dahil nahihiya siya.

“Hindi ko alam, eh. Nakita ko siya pe­­ro nahihiya ako, eh. Civil lang. Relaxed. Friends kami, eh,” ani Joshua.

Dugtong pa niya, “Last ko talaga siyang nakausap nu’ng birthday ko, eh.”

Sinabi rin ni Joshua na hindi pa siya handang maki­pag­relasyon muli at gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career.

Aniya, “Parang ‘di ko pa ka­yang pagsabayin ‘yung dalawa. Hindi ko pa kayang i-handle nang maayos ‘yung oras ko.”

Dapat sana ay ipapalabas na ang movie na natapos nina Joshua at Julia, ang Block Z, pero dahil nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson kung saan nasangkot ang young actress, naunsiyami ang showing. Nagkataong break na rin ang young couple.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page