top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

TV host, bina-bash daw na mamatay na sana… Hirit ng netizens: Vice, todo-paawa lang para mag-no. 1 u

  • Beth Gelena
  • Dec 16, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @praybeytbenjamin

Sa IG story ni Vice Ganda, sinabi ni­yang… “Every single day, I get bashed. Every day, may mga nagwi-wish na malaos ako. Meron pa ngang nagwi-wish na ma­matay ako, eh. ‘Di lang isa. Marami. Ma­sakit. Pero nagpa­pakatatag ako. Sayang naman ang mga si­nimulan ko at nakamit na tagumpay kung ngayon pa ‘ko susuko.”

Pero, kahit marami ang namba-bash sa Unkabogable Star, napatunayan niya na mas marami pa rin ang nagmamahal sa kanya at ‘yun ang mahalaga.

May pag-amin pa sa kanyang socmed ang It’s Showtime host na nag-attempt siyang mag-suicide nu’ng siya’y 16 years old.

“Salamat at ‘di ako natuluyan. Kung nagkataon, ‘di ko nalalasap ang sarap ng bu­hay ko ngayon.”

Nawindang ang puso ng mga netizens nang mabasa nila ang ibinahagi ng ko­med­yanteng aktor sa socmed.

Komento ng mga netizens: “Bilib ako kay Vice at sa tingin ko, magiging malungkot ang Philippine showbiz kung mawawala s’ya. Naaliw ako sa kara­mihan ng gi­nagawa n’ya maliban lang talaga sa mga movies n’ya.”

“Okay si Vice sa akin. ‘Wag lang siyang magsuot ng mga damit na parang tanga. Nakakaalibadbad.”

May nagsasabi naman na dahil sa movie niyang ipapalabas sa December 25, kailangang mag-ingay ni Vice para mapag-usapan. Nangangamba raw kasi ang Unkabogable Star na hindi siya ang mag-top grosser ngayon sa Metro Manila Film Festival dahil mukhang natutulog ang entry nila.

“Sana kasi, may quality man lang ‘yung mga mo­vies niya para ‘di ma-bash. Kapapanood ko pa lang ng trailer ng movie n’ya w/ Anne (Curtis) at ang pangit! Same old humor pa rin! Halatang pilit na comedy.”

Samantala, wish ng ibang netizens, wala nang death threats mula sa mga bashers dahil wala namang gi­nagawang masama si Vice sa kanila. Kung naiinggit daw sila sa naging ka­pa­laran ni Vice, dapat ay mag-isip din sila ng ikasisikat nila.

Oo nga naman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page