Mag-amang tulak, kulong
Batangas City— Arestado sa drug-bust operation ang mag-amang umano’y tulak sa Bgy. Sta. Clara.
Kinilala ang mga suspek na sina Joel, 52, at Jasmin Macalalad, 26, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng shabu ang mag-amang Macalalad ay agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad at nang pagbentahan sila ng shabu ay dito na inaresto ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-amang suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments