Kelot, nalunod sa ilog, dedo
Abra— Isang lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng bayan ng Boliney.
Kinilala ang biktima na si Louie Arellano ng Bgy. Luzong, Manabo.
Ayon sa ulat, nag-picnic sa ilog ang pamilya ni Arellano at nang maligo ang biktima ay napagawi ito sa malalim na bahagi ng ilog at tinangay ng agos.
Nagtangkang sumaklolo ang mga residente at pamilya ni Arellano pero lumubog at nawala sa ilog ang biktima.
Nabatid na makalipas ang tatlong oras ay natagpuang nakalutang sa ilog ang bangkay nito.





Comments