top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bahay niratrat, magpinsan sapol

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 16, 2019
  • 1 min read

Nueva Ecija— Sugatan ang magpinsan nang pagbabarilin ng tatlong lalaki kamakalawa sa Bgy. Cadaclan, Pantabangan.

Kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa kanang hita sina Dennis at Danny Huerta.

Nadakip naman ang isa sa tatlong suspek na si Jerry Manalang, residente ng Bgy. Marikit.

Ayon sa ulat, sa hindi malamang dahilan ay pinag­babaril ng mga suspek ang bahay ng magpinsan at dito tinamaan ng mga bala ang mga biktima.

Ginagamot na sa ospital ang magpinsan, samantalang, sinampahan na ng kasong frustrated murder ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page