Anne, out… Bela, bagong reyna ng Viva
Nitz Miralles / Bida

Tiyak na hindi papayag si Bela Padilla sa comment ng mga netizens na siya na ang reyna ng Viva Films habang buntis si Anne Curtis at hindi puwedeng gumawa ng pelikula.
Kasi naman, sunud-sunod ang pelikula ni Bela at kahit sabihin pang hindi siya ang bida ng MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7, kasama pa rin siya sa pelikula bilang lumaking Yesha na anak ni Joselito (Aga Muhlach).
Pelikula rin nina Bela at JC Santos ang Valentine’s Day presentation ng Viva Films. Tapos na raw ito at si Irene Villamor ang direktor pero dahil working title pa lang, hindi muna binanggit ni Bela.
The other day, may storycon ng bagong pelikula ni Bela, ang Spellbound na adaptation ng Korean movie with the same title at si Marco Gumabao ang leading man niya. Siguradong marami pang gagawing pelikula sa Viva Films si Bela at sana nga, matupad ang wish niyang muling makasama si Aga, and this time, full-length movie na dahil sa Miracle in Cell No. 7, three days lang siya nag-shooting.
Mamaya na pala ang premiere night ng movie sa direksiyon ni Nuel Naval at balita namin, dadalo ang director at producer ng original Korean movie.
Samantala, maganda ang ginawa ni Bela na hindi na sinagot ang mga tanong tungkol kina Neil Arce at Angel Locsin para iwas intriga. Baka kasi ma-misinterpret pa ‘pag nag-comment siya, kaya mabuti na ang “no comment” nitong sagot.





Comments