top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Umasang magiging BF ang mas matandang mahal, hindi naman nakatuluyan kaya super-lungkot

  • Roma Amor
  • Dec 15, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong ‘Baliw’ dahil ‘yun ang tawagan namin ng taong mahal ko. Hinintay niya ako simula 2nd year high school hanggang sa makagraduate ako ng college. Umasa ako na magiging kami after kong maka-graduate, pero hindi nangyari ‘yun dahil inisip niya ang kalagayan ko at mangyayari sa amin ‘pag naging kami. Magkalayo ang edad namin dahil doble ng edad ko ang gap namin, pero walang issue ‘yun sa akin. Ano ang dapat kong gawin? –Baliw

Baliw, Maaaring maganda ang intensiyon niya, pero baka hindi mo pa maunawaan ngayon. Siguro, ang pinakamabuti mong gawin ay unawain mo ang desisyon niya at maniwala na para sa ikabubuti mo ang ginawa niya. Gayundin, huwag kang malungkot at magpokus ka sa mga bagay na makabubuti sa iyo bilang indibidwal. Huwag kang mag-alala dahil makatatagpo ka rin ng taong para sa iyo. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page