top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Salary loan, puwede nang i-apply online!

  • Thea Janica Teh
  • Dec 15, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na maaari ng makapag-apply ng salary loan sa kanilang website na My.SSS.

“Para sa mas pinabilis na pagproseso ng inyong salary loan, maaari na tayong mag-apply sa SSS mobile app o website. Hindi na natin kailangan pang pumunta sa pinakamalapit na branch. Maaari na tayong mag-apply, anytime, anywhere,” bahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Sa ilalim ng SSS Circular 2019-014 na aprubado ng Social Security Commission (SSC), kinakailangan na lahat ng miyembro ng ahensiya ay mag-register at gumawa ng account sa My.SSS o mag-download ng kanilang mobile app para magamit ang prebilehiyong ito.

Para sa mga self-employed, voluntary at Overseas Filipino Worker (OFW), ang pagproseso ng kanilang salary loan ay magsisimula pagkapasa ng kanilang application form, samantala, sa mga employed members naman ay mapoproseso kapag na-certify na ng employer sa My.SSS facility ang kanilang application. Kapag ito ay naaprubahan na, agad tayong makatatanggap ng confirmation text at email mula sa SSS na nagsasabi ng status ng ating loan application. Sa ngayon, makukuha ang salary loan bilang tseke ngunit, kapag naayos na at nailunsad na ang bagong sistema ng pension fund ngayong Disyembre ay papasok na ito sa UMID-ATM with EMV capability o sa nominated savings account.

“Isa ang salary loan sa madalas i-apply ng mga miyembro ng ahensiya kaya minabuti namin na ayusin at padaliin ang pagpapasa ng kanilang loan application,” dagdag pa ni Ignacio.

Kaya naman sa loob ng January hanggang September 2019, halos 1.46 milyong miyembro ang nakakuha ng kanilang salary loan na nagkakahalagang Php29.98 bilyon.

Para maka-avail ng salary loan, kinakailangan na ikaw ay under 65 years old, hindi pa nabibigyan ng final benefit tulad ng permanent disability, retirement o death at walang isyu sa SSS. Kinakailangan din na updated ang mga employer sa employed-member sa kanilang kontribusyon at loan remittances.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page