top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ang dami raw dumating na blessings… Joshua, aminadong mas hapi nang mag-break sila ni Julia

  • Janice DS Navida
  • Dec 15, 2019
  • 1 min read

Kinumusta naman namin si Joshua Garcia pagka­tapos ng Q&A kung ano nang lagay ng puso niya ngayon after ng hiwalayan nila ni Julia Barretto.

Ayon kay Joshua na pumayat — kahit pa panay daw ang kain nila ng partner na si Janella sa set ng The Killer Bride — sobrang saya ng puso niya ngayon.

“Sobrang saya lang kasi tulad ng sabi ko, ang dami kong bagong naging kaibigan, mas naging open ako sa lahat. Kumbaga, parang unti-unti, nao-overcome ko ‘yung pagiging introvert ko,” pag-amin ni Joshua.

Pero hindi naman daw ibig sabihin na may mga bago na siyang kaibigan at kakilala ay nakikipag-date na siya dahil sa totoo lang daw, ang focus niya ngayon ay ang kanyang trabaho lalo’t sunud-sunod ang mga magagandang opportunities na dumarating sa kanya.

So, mas masarap ba ‘yung wala siyang commitment sa isang relationship at sarili lang niya ‘yung iniisip niya?

“Sa work ko at sa the way akong mag-isip, parang oo, kasi parang hindi ko ho kayang pagsabayin muna ‘yung dalawa, kasi hindi ko pa rin kayang i-handle nang maayos ‘yung oras ko, lagi kasi akong tulog, eh,” sey ni Joshua.

Hindi naman daw niya masasabing ‘trauma’ ‘yung nangyaring failed relationship nila ni Julia. Basta sa ngayon lang daw, career ang focus niya dahil ayaw naman niyang sayangin ‘yung mga dumarating na opportunities sa kanya.

Oks na oks nga ‘yan, Joshua!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page