Grand Shimano Criterium lalarga na sa Rizal Park
- A. Servinio
- Dec 14, 2019
- 1 min read

Ngayong Linggo ng umaga gaganapin ang Grand Shimano Criterium sa makasaysayang Rizal Park sa Maynila.
Ito na ang karera na puno ng mabilis na aksiyon kung saan iikot ang lahat ng siklista mula mga propesyonal hanggang baguhan ng ilang beses sa Quirino Grandstand, T. M. Kalaw at Roxas Boulevard.
Ang mga category ay ayon sa edad na Juniors, 20-20, 30-39, 40-40 at lampas 50 para sa mga lalake at Road Bike Open Category para sa lalake at babae. May espesyal din na category para sa Mountain Bike.
Maaari pang humabol at magrehistro, dumating lang bago mag-4:00 ng umaga.
Lahat ng lalahok ay makatatanggap ng t-shirt, medalya, numero, timing chip, pagkain, regalo mula sa sponsor at maaring manalo ng dagdag premyo sa raffle.
Dahil isasara ang mga kalsada, inaabisuhan na iwasan ng mga motorista ang Rizal Park.
Inaasahang matatapos ang karera bago lumubog ang araw.
Ang Grand Shimano Criterim ay hatid ng Interval Gear Events Management at Neo Zigma PH.





Comments