top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Co-host ni Willie, sikat na... Hipon girl, may serye na sa siyete

Nitz Miralles
Dec 14, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Malayu-layo na rin ang narating ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” at isa sa mga co-hosts ni Willie Re­villame sa Wowowin dahil pagkatapos magbida sa isang episode ng Magpa­kailanman, may teleserye na siya.

Kasama na si Herlene sa cast ng Afternoon Prime na Madrasta at gagam­panan niya ang karakter ni Sandy, BFF ni Ka­tharine (Thea Tolentino). Si Sandy ang ow­ner ng resort na pinag­bakasyunan ni Katharine. Ang pamilya ni Sandy ang ma­giging sounding board ni Katharine tungkol sa mga plano niya laban kay Audrey (Arra San Agustin).

Wala pang airing date kung kailan lalabas si Her­lene, pero tiyak na panono­orin siya ng kanyang mga fans, gaya ng pag­suporta nila sa Magpaka­ilan­man episode ni Herlene.

Sa TF niya sa Madrasta, hindi lang pang-first class na bigas ang mabibili ni Herlene at sigurado na ring may ma­sarap silang ulam at handa sa Pasko at Bagong Taon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page