Ang ‘di sumunod, magbabayad… Coco, maraming ipinagbabawal sa shooting

Mabait kung sa mabait off-cam ang bida sa MMFF 2019 movie na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na si Coco Martin. Pero, bilang direktor at producer ng movie, sobra raw niyang istrikto sa set. Bawal ang ma-late sa shooting, bawal ang gadgets, dapat memorized ang linya, dapat may suot na medyas ang mga lalaking kasama sa movie at dapat malinis at maayos ang damit at nakapaligo bago mag-report sa shooting. May multa raw ang sinumang walang suot na medyas, ganoon din ang mga pasaway sa gadgets.
Pabor naman ang mga co-star at production staff sa rule ni Coco na bawal ang ma-late sa shooting. Dapat, walang inaaksayang panahon at nakakasunod naman dito sina Jennylyn Mercado, Ai Ai delas Alas at Sam Milby.
Ipinangangako ni Coco na masusulit ang ibabayad ng mga moviegoers na manonood ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
Maraming sorpresa at pasabog ang kanilang pelikula. Magbibihis-babae dito si Coco at tiyak, matutuwa ang lahat sa kanyang mga eksena.





Comments