top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

5 lakay fighters sa ONE: Fire and fury

  • MC / Alvin Olivar
  • Dec 14, 2019
  • 2 min read

Photo: conandaily.com

Muling ipakikita ng MMA fighters ng Pilipinas ang kanilang tikas at galing sa idaraos na pinakamalaking sports media property sa kasaysayan ng Asya, ang ONE Championship sa pagbabalik ng mga itatampok na laban sa Mall of Asia Arena sa Enero 31, 2020.

At dahil homecourt ng Team Lakay ang bansa na magho-host ng ONE: Fire & Fury, tiyak na mga world class martial arts fights ang masasaksihan ng mga fans.

Sa main event, tampok ang bakbakan nina ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio na dedepensa ng korona kontra Alex “Little Rock” Silva ng Brazil. Ang 23-anyos na si Pacio na mula sa Baguio City ang may hawak ng strawweight belt sa bisa ng unanimous decision victory laban kay Japanese veteran Yoshitaka Naito noong Setyembre 2019, pero sinurender ang titulo sa isa pang Japanese warriors na si Shooto World Champion Yosuke Saruta sa una niyang pagdepensa.

Pagkaraan ng ilang buwan, nakaganti siya mula sa pagkatalo nang pabagsakin si Saruta sa bisa ng malakas na sipa sa ulo at angkinin ang ONE Championship gold.

Noong Nobyembre, napagtagumpayan ni Pacio na depensahan ang titulo kontra sa kababayang si Rene Catalan at pagwagian ang second-round submission at pakay ni Pacio na makapagtanggol ng korona laban naman kay Alex Silva.

Si Silva, dati namang ONE Strawweight World Champion, ay naging impresibo at naibalik ang pagkuha ng titulo nang kanyang talunin sa bisa ng submisson victories sina Stefer Rahardian at Peng Xue Wen.

Ang Brazilian Jiu-Jitsu black belt ay isa pa naman sa pinakapeligrong grapplers sa ONE Championship. Walo sa siyam nitong panalo ay galing sa submission. Susubukan ni Silva na muling itaas ang belt mula kay Pacio sa isang pinakaabangang showdown sa strawweight.

Nasa fight card din ang Team Lakay ni Pacio at kapwa Pinoy na sina Jomary Torres at Gina Iniong na haharap sa mga bigating kasagupa. Babalik aksiyon din si dating ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang kontra Ahmed “The Wolverine” Mujtaba ng Pakistan.

Si Folayang ay isa sa pinaka-prominenteng martial artists ng bansa, isang sports icon na minahal ng kanyang fans. Sa taglay niyang world-class wushu skills, babalik si Folayang at naniniwala siyang muling makukuha ang World Title. Balik din si dating ONE World Title challenger Danny “The King” Kingad upang harapin si “The Hunter” Xie Wei ng China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page