Unkabogable Star, kahit No. 1 sa MMFF… Coco, taob si Vice, nagpa-raffle ng P200-K plus sa presscon

Puring-puri at mahal na mahal si Coco Martin ng mga co-stars niya sa MMFF movie entry ng CCM Film Productions na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na showing sa December 25 in cinemas nationwide.
Bilang aktor-director, sabi ng cast ng movie na present sa ginanap na presscon kahapon, napaka-generous daw ni Coco to the point na gusto nito, hindi lang siya ang bida-bida sa isang project kundi lahat sila ay mag-shine.
Kuwento nga ni Carmi Martin (hindi po siya ang tunay na ina ni Coco Martin, chos!) na tatlong beses nang nakasama ng ABS-CBN Primetime King sa pelikula — una sa Feng Shui, then sa Panday, tapos dito sa 3Pol Trobol, lagi siyang binubulungan ni Coco ng mga suggestions na mas makakapagpaangat sa kanyang acting o role.
Revelation naman ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas, tuwang-tuwa siya kay Coco bilang director-producer ng movie dahil ‘pag sinabi nitong magsisimula sila ng shooting nang 5 AM, nasusunod talaga ‘yun kaya maaga silang natatapos at nakakauwi para magkaroon pa ng time sa kani-kanilang pamilya.
Sey naman ng anak ni Ai Ai na si Sancho na kasama rin sa movie, istriktong boss daw si Coco dahil bawal gumamit ng cellphone sa set habang nagtatrabaho sila. Gusto ni Coco ay naka-focus talaga sila sa trabaho at walang distractions.
Si Sam Milby na gumaganap na kontrabida sa 3Pol Trobol, aminadong nataranta nang biglang baguhin ni Coco sa last minute ang script gayung na-memorize na niya ang kanyang lines. Pero sinabihan naman daw siya ni Coco na kung mas komportable siya sa English kesa sa Tagalog ay okay lang. So sabi ni Sam patungkol kay Coco, “He’s really giving and amazing.”
Ang leading lady naman ni Coco na si Jennylyn ay puring-puri rin ang aktor-director-producer dahil napakamaalaga raw nito sa kanilang lahat at maya-maya ay nagtatanong-nagtsetsek kung okay lang ba sila gayung mismong si Coco ay wala pa ngang tulog at pahinga.
Samantala, maging ang movie press ay tuwang-tuwa at amazed na amazed kay Coco lalo na nang magpa-raffle ang aktor ng more than P200 thousand (na take note, P100 thou ang grand prize, isa ang winner ng P50K, isang P20 K, 2 tig-P10 K and the rest is P2 K each) sa presscon kahapon.
May narinig nga kaming nag-comment na mas bonggang magpa-raffle si Coco kesa sa kaibigan niyang si Vice Ganda, to think daw na ang Unkabogable Star ang laging MMFF top grosser at ‘first runner-up’ lang si Coco, ha?
Hmmm… ‘Wag n’yong i-dare si Vice, may kusa ‘yan! Char!
****
Nagmamadali si Coco Martin after ng presscon ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, pero sinubukan pa rin naming hingin ang reaksiyon niya sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya papayagang renew ang franchise ng ABS-CBN.
Bilang ang serye ni Coco Martin na ang Ang Probinsyano ang longest-running primetime show at pambato ng Kapamilya Network, curious kaming malaman kung ano’ng nararamdaman niya sa sinabi ni Pangulong Duterte, lalo’t kung matutuloy ang banta nito, ibig sabihin, hindi na aabot ng 40 years ang Ang Probinsyano?
Sagot ni Coco, “Ay, hindi ko pa po naiisip ‘yan. Basta tayo, magtrabaho lang nang maayos.”
Sabagay, tama naman siya ru’n. So, let’s just hope and pray na ‘wag namang matuloy dahil mas babagsak ang showbiz and movie industry kapag marami ang nawalan ng trabaho.





Comments