Serbisyo ng Pag-Ibig Fund, mas pinadali dahil online na
Bulgarific
Hello, Bulgarians! Dahil sa patuloy na pagasenso ng teknolohiya sa ating bansa, mas pinadali na ang lahat ng bagay lalo na ang pag-aupdate at pagse-secure sa inyong Pag-IBIG Fund membership!
Inilunsad kahapon, December 12 ang Virtual Pag-IBIG, ang online portal ng Pag-IBIG Fund na maaaring magamit ng mga miyembro anytime, anywhere! “Bago pa namin ito inilunsad ay maingat naming inayos ang seguridad ng database. Matagal na itong plano ng ahensiya kaya naman nakatutuwa na naisapubliko na ang long-term program na ito para mas mapadali ang pag-a-update ng mga miyembro sa kanilang account. Ito rin ang isa sa mga ipinangako namin kay Pangulong Duterte, ang mas convenient at hassle-free na programa para sa ating lahat,” ani Secretary Eduardo del Rosario, head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Paano nga ba ang Virtual Pag-IBIG na ito? Bisitahin lamang ang https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/ at gumawa ng account. Masisiguro natin ang seguridad ng ating Pag-IBIG Fund Membership ID (MID) number. Hindi lang ‘yan, maaari na rin tayong mag-enroll ng MP2 Savings Account at mamo-monitor na natin ang ating loan application status. Bukod pa rito, makikita rin natin dito ang last 10 transactions ng ating Pag-IBIG Fund Loyalty Card Plus. Maaari rin nating makita ang savings record, loan balances at latest news and updates tungkol sa ahensiya!
Hindi pa natatapos diyan, dahil maaari na rin tayong mag-online payment dito ng ating loans at mag-remit ng monthly savings gamit ang PayMaya, Visa, Mastercard o JCB credit cards. At kung may katanungan tayo o concern ay maaari nating i-chat gamit ang Virtual Pag-IBIG ng kanilang service personnel.
“Masaya kaming ipamalita na ang PagIBIG Fund, sumasabay na sa pag-asenso ng teknolohiya sa ating bansa. Ngayon ay mas mapadadali na ang pagmo-monitor ng loan at pag-e-enroll ng MP2 savings account at hindi na kailangan pang pumunta sa iba’t ibang branches! Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng Pag-IBIG Fund na may temang Serving the Nation with Excellence and Innovation. Ang Virtual Pag-IBIG ay Lingkod Pag-IBIG 24/7,” bahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer, Acmad Rizaldy P. Moti.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments