Natakot mabiyuda, todo-bantay, taping iniwan… Dimples, natauhan nang magsuka ng dugo ang mister
- Vinia Vivar
- Dec 13, 2019
- 1 min read

Photo: IG:Dimples Romana
Sobrang thankful ni Dimples Romana na okay na ang kanyang asawang si Boyet Ahmee na na-hospitalize kamakailan at nabalitang sumuka pa ng dugo.
Sobrang takot ang naramdaman ni Dimples that time na inakala niyang mawawala na sa kanya ang mister.
“At ngayon tuloy, alam mo, iba ‘yung meaning ng Pasko sa akin, kasi pakiramdam ko, ganu’n lang pala ‘yun, isang ganu’n (click) lang, puwedeng mawala.
“So, nagkaroon ako ng deeper appreciation even more sa kung ano’ng meron kami, kung ano ‘yung dumarating na blessing,” pahayag ni Dimples sa presscon ng The Mall, The Merrier kung saan ay isa siya sa cast.
Nagbigay din daw ito sa kanya ng ibang perspective na dapat ay maghinay-hinay dahil kailangan ka ng pamilya mo.
“At kapag pala kinailangan ka ng pamilya mo, makakalimutan mo lahat. Kasi ganu’n ang nangyari sa akin, eh. Nu’ng nandu’n ako (sa hospital), wala, nakalimutan ko na may trabaho ako today,” sabi ni Dimples.
Naikuwento rin ng aktres kung gaano ka-understanding ang asawa dahil may sakit na’t lahat ay ang taping pa niya sa Kadenang Ginto ang inisip.
“Paglabas ng OR (operating room) ni Boyet, sabi ng doktor sa akin, habang nasa recovery room, sabi raw ng asawa ko, ‘Dok, puwede mo nang paalisin si Dimples, kasi may 5AM (taping) siya.’ Can you imagine how selfless my husband is?” ang proud na kuwento ni Dimples patungkol sa mister.





Comments