'Yan na nga ba, eh! Sikat na showbiz couple, nagkakaproblema, aktres, balik-showbiz kahit tutol
- Erlinda Rapadas T.
- Dec 12, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Ipinagtataka ng marami kung bakit biglang tumanggap ng project ang isang maganda at sikat na aktres na may asawa’t mga anak na.
Dati-rati, okey sa aktres ang agreement nila ng kanyang mister na hindi sila sabay tatanggap ng projects upang may maiiwan at titingin sa kanilang mga anak.
May malaking project ngayon ang guwapong mister ng magandang aktres. Tiyak na mahaba-haba ang itatakbo ng istorya nito kaya laking-gulat ng lahat nang tanggapin ng sikat at magandang aktres ang isang project katambal ang isang guwapong aktor.
Eh, papaano na ang kanilang agreement noon ng kanyang mister? Hindi rin pala ito masusunod!
Kung tutuusin, in demand pa rin sa mga endorsements ngayon ang maganda at sikat na aktres. Hindi pa rin bumababa ang kanyang kilatis o premium. Kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga mas batang endorsers at milyones pa rin ang kanyang kinikita kahit na hindi siya tumanggap ng TV shows o pelikula.
Kung tama ang tsikang nakarating sa amin, mukhang nagkakaproblema ngayon ang mag-asawa.





Comments