Kayang-kaya naman daw mag-promote ng MMFF movie… Vice, aminadong 'di na kailangan si Anne
- Vinia Vivar
- Dec 12, 2019
- 2 min read

First time magkasama nina Vice Ganda at Anne Curtis sa isang pelikula via the Metro Manila Film Festival entry na The Mall, The Merrier at nagkataon pang buntis ang aktres sa mga panahong ito. Kaya feeling ni Vice Ganda ay may hatid na suwerte sa pelikula ang baby na nasa sinapupunan ni Anne.
Kuwento nina Vice Ganda at Direk Barry Gonzalez, wala silang kamalay-malay na buntis si Anne habang isinu-shoot ang movie.
“Wala po siyang sinabi sa amin. Mayroon ho kaming isang eksena na ang ginagawa is puro action, nagliliparan sila, ipinasok po siya ni Ganda (Vice Ganda) sa loob ng basurahan, at pumasok siya sa loob. Hindi namin alam na buntis na siya, hindi niya sinasabi sa amin,” lahad ni Direk Barry.
Sey ni Vice, alam na raw ni Anne that time na preggy siya pero talaga raw hindi inaamin sa kanila.
“There was one instance na nandu’n ako sa dressing room niya, kumakain ako, tapos, biglang sabi sa kanya on the set (na take na), bigla siyang nagpalit ng damit, naghuhubad siya sa harap ko. Sabi ko, ‘Oh, my God!’ Nakita ko ‘yung boobs niya. Sabi ko, ‘Girl, may gatas yata ‘yang dede mo, ba’t ang laki?’ Sabi niya, ‘Eh, ‘di ba, nakita mo naman, Sis, kain tayo nang kain kaya tumataba ako.’
“Ah, okay, naniwala naman ako sa kanya. ‘Yun pala, buntis na siya talaga. Mayroon lang siyang sinusunod na timing. Alam na niya kung kailan sila aamin, alam na niya kung paano ipepresenta sa tao na buntis siya, planado niya.
“Kaya sabi niya, ‘Hindi ko aaminin muna sa inyo.’ Gusto nila, sabay-sabay nating ma-experience ‘yung pagri-reveal,” pagbabahagi naman ni Vice.
Dahil nga preggy si Anne ay hindi na raw niya inoobliga na sumama sa mga mall tours para sa promo ng movie.
“Nagtatanong siya lagi, ‘Sis, kailangan mo ba ‘ko d’yan?’ Sabi ko, ‘Okay lang naman na nandidito ka, siyempre, gusto ng madami, pero parang mas okay na magpahinga ka.’”
Nag-suggest na rin daw ang hubby ni Anne na si Erwan Heussaff na baka puwedeng sa social media na lang mag-promote ang asawa.
“Kasi, first baby, eh. Baby din naming lahat ‘yun, eh,” sey ni Vice.
As it is ay malaking suwerte na raw sa kanila na nakasama nila si Anne sa movie lalo pa nga’t ito ang first time na nagkatrabaho sila sa isang pelikula. “‘Yung promo, kayang-kaya na namin ‘yun,” sey pa ni Vice.





Comments